Isang makabuluhan, masaya at matagumpay na pagdiriwang ang naganap nitong Agosto 30, 2026 sa Saint Joseph 10 Phase 2 Clubhouse, Brgy. Langgam City of San Pedro, Laguna bilang paggunita sa ikalawang anibersaryo ng United Servants Credit Cooperative (USCC). πβ€οΈ
Dalawang taon ng pagkakaisa, pagtutulungan, paglilingkod at patuloy na paglago at ang lahat ng ito ay naging posible dahil sa ating mga miyembro, officers, volunteers, partners, at lahat ng taong patuloy na sumusuporta sa ating cooperative.
Mas naging makabuluhan ang ating anniversary celebration dahil isinabay natin ang isang FREE DENTAL MISSION, kung saan nagkaroon ng libreng dental services at pagbunot ng ngipin para sa mga miyembro, non member at benepisyaryo mula sa ating komunidad. π¦·β€οΈ
π Taos-puso ang aming pasasalamat kina Dr. Jobert Lee Titco at Dra. Shanley Encabo sa kanilang oras, kaalaman, serbisyo at malasakit. Maraming salamat sa inyong dedikasyon upang maging matagumpay ang ating Free Dental Mission.
π¦·π Lubos din naming pinasasalamatan ang City Government of San Pedro, sa pangunguna ni City Mayor Art Mercado, at ang City Cooperative Livelihood Development Office (CCLDO), kasama si Ms. Rochelle CariΓ±o, sa pagbibigay ng mga libreng gamot na ipinamahagi sa mga pasyenteng sumailalim sa dental extraction. Malaking tulong ito upang mas maalagaan ang mga benepisyaryo pagkatapos ng kanilang dental procedure.
Maraming salamat din sa The League City of San Pedro Eagles Club at Kiwanis Club sa inyong pakikiisa, suporta at pagtulong sa aming espesyal na araw. Ang inyong presensya at malasakit ay tunay na naging bahagi ng tagumpay ng aming 2nd Anniversary Celebration.
At higit sa lahat, MARAMING SALAMAT sa lahat ng miyembro, officers at volunteers ng United Servants Credit Cooperative! Kayo ang puso ng ating cooperative. Dahil sa inyong tiwala, suporta at pagkakaisa, patuloy nating maisasakatuparan ang ating layunin na hindi lamang magkaroon ng pag-unlad ang bawat miyembro, kundi maging instrumento rin ng paglilingkod at pagtulong sa komunidad. π€
β¨ 2 Years of Service. 2 Years of Unity. 2 Years of Growing Together!β¨
Patuloy nating isabuhay ang tunay na diwa ng cooperative:
βSama-sama sa Pag-unlad, Sama-sama sa Paglilingkod.β π
TO GOD BE THE GLORY β€οΈβ€οΈπ
π HAPPY 2ND ANNIVERSARY, UNITED SERVANTS CREDIT COOPERATIVE!π